Skip to main content

Posts

Showing posts from 2018

Mamaya, Bukas, at Ngayon.

Maraming maibibigay na magandang dulot kapag ikaw ay edukado, lalo na kapag ang mga bagay na natututunan mo sa loob ng apat na sulok ng silid ay nakakapagpa-bukas ng isipan sa mga kaganapan sa mundo. Ang kabataang bukas ang isipan ay paniguradong kayang  lumaban. Kayang labanan ang mga maling kanilang nakikita, sapagkat hindi sila takot na gawing tama ang mga ito. Binigay na halimbawa sa akda ni Ginoong Antonio Tujan Jr. ang ginawang pakikibaka ng mga kabataang pinoy o ng mga mag-aaral upang patalsikin ang kurakot at sakim na dating pangulong Erap. Hindi na natiis ang kagahaman ni Erap noon kung kaya ay wala nang nagawang iba ang mga tao kung hindi mag-aklas upang patalsikin na sa pwesto ang ginoo. Nagkapit-bisig man ang mga tao at kabataan sa naganap na People Power 2 noong panahon ni Erap, hindi pa rin ito sapat upang mamulat ang mata ng mga  naka-upo sa pwesto. Pumalit si Arroyo bilang panibagong presidente, ngunit ganoon pa rin ang nangyari.  Sa kasalukuyan, ...

Edukasyon, Susi sa Kahirapan

Edukasyon.  Isang bagay na nagpapatakbo sa  buhay ng bawat estudyante.  Bawat araw, gigising ng maaga, papasok sa eskwela, makikinig sa mga turo ng propesor, at uuwing may baon na kaalaman, minsan.  Halos kalahati ng buhay ng bawat mamamayan ang nasasakop ng edukasyon. Bakit nga ba tayo nag-aaral? Bakit ba tayo obligadong pumasok sa eskwela at magtapos ng kolehiyo?  Kung ako ang tatanungin kung bakit ng aba ako nag-aaral, ang isasagot ko lamang ay upang magkaroon ng direksyon ang aking buhay at sana, sa dulo ng direksyong ito ay isang magandang kinabukasan na makakatulong hindi lang para sa akin, kungdi para na rin sa pamilya ko at sa bayan. Ang edukasyon ay isang obligasyon upang magkaroon ng mga magagaling  at may alam na susunod na henerasyon ang lipunan. Nag-aaral ang mga kabataan para may maiambag hindi lamang sa  kanilang sariling kapakanan, kungdi pati na rin sa kapakanan mismo ng lipunang ating sinisinta. Ang edukasyon raw ang magpapa...

Kung may Tiyaga, may Nilaga

Sabi nila, hindi mo kasalanan kapag ipinanganak ka na mahirap. Ang kasalanan raw ay ang mamatay kang naghihirap pa rin.  Noong una, labis na pinaniniwalaan ko ang katagang iyan. Napapaisip ako na, oo nga, kasipagan ang sagot sa pagiging mahirap. Kapag ikaw ay may sipag at tiyaga, siguradong ligtas ka na sa kahirapan o di kaya’y makakabangon ka na mula sa bangungot na ito. Pero habang tumatagal, at ang aking pananaw sa buhay  ay lumalawak, at ang bawat sulok ng mali sa mundo ay unti-unti nang nabibigyan ng liwanag sa aking utak, saka sumagi sa aking isipan na hindi mahihirap lamang ang may kasalanan kung bakit sila ay naghihirap.  Sino ang dapat sisihin? Sa tingin ko ay ang uri ng pamamalakad sa ating bansa, sa medaling salita, ang mga taong nasa likod ng mga naglalakihang kumpanya, mga taong nakaupo sa makintab na pwesto, o iba pang taong mala-Diyos na kung isamba ng ilan.  Hindi ko naman sinasabi na isisi na sa mga naglalakihang tao na ito kung bakit hanggan...

Psst, Hi Miss.

Teksto ukol sa feminismo. Ang mga babae raw ay mahihina. Sila ay dapat nasa bahay lang, sila dapat ang nagsisilbi sa mga kalalakihan dahil sila’y babae lamang. Bawat buwan ay dinudugo sila, karamihan rin sa mga trabaho ay hindi nararapat sa mga kababaihan dahil mahihina ang kanilang katawan, masyado rin daw iyakin at mabilis masaktan ang mga kababaihan. Ilan lamang yan sa mga pang-karaniwang pananaw ng mga kalalakihang kilala ko nang tanungin ko sila kung malalakas ba ang mga kababaihan. “Mas malakas kaya mga lalaki.” Sabi pa ng isa kong kaibigan. Oo, maraming pagkakataon na napapatunayan na mas malakas ang mga kalalakihan, pero hindi ibig sabihin nito na dapat nang ipamukha ang mga kahinaan ng mga kababaihan. Ngunit hindi iyan ang pinaka-punto ko sa diskusyong ito. Bilang isang babae, naghahangad rin ako ng pantay na pagtingin ng bawat tao sa kasarian ko. Oo, may pagkakataong mahihina ang mga kababaihan ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat na silang husgahan. Hindi ibig ...

Ikaw, Utak Talangka ka ba?

Nagniningning ang kalangitan dahil na rin sa ganda ng mga bituin, at lalo na ang bilog at maliwanag na buwan na para bang nagtatawag ng pansin. Umikot ang kamera, at ito’y tumutok sa isang kaganapan sa ilalim ng mapayapang kalangitan. Makikita ang dalawang taong masayang naglalakad-lakad sa gilid ng kalsada, walang trapiko, walang polusyon, walang mga tambay, at halos payapa ang lahat. Walang kahit na anong negatibong bagay kungdi lahat ay positibo lamang, dalawang taong masayang naglalakad sa kapayapaan ng gabi, nagtatawanan at para bang may sumasabog na makukulay na disenyo sa kanilang likuran. Ang pahayag sa itaas ay isa lamang sa nais ipakita sa isang pang-karaniwang pelikula kung saan binabago nito ang imahe ng reyalidad ng isang lugar o ng kasalukuyang panahon. Ibinabaling ng mga ganitong pangkaraniwang eksena sa mga palabas ang atensyon ng mga manonood sa kung anumang nangyayari mismo sa harapan ng kanilang sariling mga mata. Ano nga ba ang nagagawa ng isang pelikula sa mga...

Blog ang Mundo, pagpapalawak ng kaisipan ng teksto

img via foxtailmarketing Lahat naman na siguro tayo ay alam ang hatid na dulot ng blog, kung saan malayang naipapahayag ang saloobin o kuro-kuro ng isang indibidwal ukol sa kaganapan sa kaniyang buhay, maliit man ito o malaki. Sa katunayan nga ay marami nang kumikita ng pera para lamang sila’y magsulat sa kanilang blog. Babalik na ako sa teksto ni ginoong U.Z. Eliserio na nagtuturo ng popular na kultura sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman. Aking sisimulan ang isyu tungkol sa pagsasalsal sa publiko ng karamihang indibidwal ngayon sa kasalukuyan. Balingan muna natin ang blog kung saan nakapagha-hayag ng saloobin ang karamihan ngunit nagagambala naman nito ang pribadong pamumuhay ng isang indibidwal.  Ngunit nasa tao naman ito kung gusto ba niya isiwalat lahat ng impormasyon o pangyayari sa kaniya sa araw-araw sa online world. Ayun nga lang, nagku-krus na ang landas ng pribado at pam-publikong impormasyon, na kung titingnan sa perspektibo ng...

FILIPINO NG IILAN

image by @AOLIRLWW via emaze.com Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan Isinulat ni: Conrado de Quiros                Sa panahon natin ngayon, makikita kung gaanong hindi napapa-halagahan ng henerasyon sa kasalukuyan ang wikang Filipino. Ang utak ay nahuhulma sa kakaibang hugis kung saan ang ating pambansang wika ay hindi mahalaga at ikinakahiya.                Simulan natin ang pagtatalakay sa dahilan kung bakit nga ba nawawala na ang paniniwala na ang wikang pambansa ay isang wikang marangal at nararapat isabuhay at isapuso ng bawat mamamayang Pilipino. Una, ayon sa akda, malaking impluwensiya ang Internet. Bakit nga ba? Dahil ang henerasyon ngayon ay bukas ang isipan sa teknolohiya, na halos sa araw-araw na kanilang winawaldas ay hindi mawawala ang pag-gamit ng ‘social media’, at dito ay banyagang wika ang bumubungad na sa mga kabataan at mas napapalawak ang kanilang pag-iisip sa p...

TANSONG ASAL GINTO

Tansong asal Ginto Ang akdang ito ay nagpapahiwatag kung paano tinitingala ng mga kababayan nating Pilipino ang isang uring nakaa-angat ngunit nagpapasailalim naman sa mga kolonyalista. Tulad ng sa naunang akda ni Bienvenido Lumbera na ating tinalakay na pinamagatang, Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin, nabanggit rito kung paanong ang isang wikang banyaga ay sumisimbolo sa karangyaan. Dito sa akdang ito, ipinakita kung paanong ang isang pribadong paaralan na karamihan ay mayroong mga estudyanteng nakatataas ay naiimpluwensiyahan ang pag-iisip ng mababang uri ng mga Pilipino. Masasabing marami sa ating mga Pilipino ang pilit na itinataas ang kanyang sarili sa lipunan kahit na ang kanyang pinansyal na bulsa ay wala namang laman. Sila yung mga taong matatawag na mga ‘Social Climber’. Balik tayo sa usaping pang-pribadong paaralan ng ating bansa. Muli, ang ugat kung bakit mas maraming edukasyon na ang naihahatid ng mga pribado o eksklusibong paaralan kays...

Mis-Edukasyon

Edukasyong maka-Pilipino Marami sa atin ang nagnanais na makakuha ng isang edukasyong nararapat sa ating mga Pilipino. Isang edukasyon na makapagbibigay ng kaisipang nasyonalista sa mga kabataan. Katangian ng Edukasyong Kolonyal Ang pagdating nga mga puti sa ating bansa ay nakapag-dulot ng pang-matagalang pagiging alipin ng ating mga kaisipan sa nais ng mga dayuhan. Sinimulan ito ng ipa-laganap ng mga kano ang sistema ng kanilang pagkatuto sa ating mga Pilipino. Ang edukasyong kanilang hinandog ay nagbigay ng makitid na pag-iisip sa ating mga Pilipino na sila ay dapat na ituring na mga bayani at tagapag-tanggol, at nagbigay rin ng anggulong positibo lamang ukol sa kanila. Ipinasok nila sa ating mga kokote ang banyagang wika, at ipinalamon ang ating mga utak sa isang amerikanisadong paraan ng pamumuhay, tulad na lamang ng panghihikayat ng mga produktong banyaga, at ang kaisipang hindi magandang kalidad ang naibibigay ng mga produktong lokal. Makikita naman na ang ...

Kasaysayan ng Edukasyon sa Kasalukuyan

Ang akda ni Bienvenido Lumbera na pinamagatang Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin, ay sumasalamin sa kung anong klaseng institusyon ng edukasyon ang mayroon ngayon sa ating nasyon. Hindi maipagkakaila na sa ilang beses na-angkin ng mga mananakop ang ating inang bayan ay makikitang wala na tayong orihinal na kultura. Lahat ng ating nalalaman, ginagawa, at pinapahalagahan ngayong panahon na ito ay may impluwensiya na ng mga Espanyol, Amerikano, at ng Hapones.  Si Bienvenido Lumbera ay isang magaling na manunulat na naparangalan ng Ramon Magsaysay award at tinaguriang “National Artist of the Philippines” dahil na rin sa angking niyang pagkamalikhain at kakayahan sa pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng kanyang mga naisulat nang akda, at isa na rito ang akdang tatalakayin natin ngayon.  Simula pa noong Abril ng taong 1898 ay napasailalim na ang Pilipinas sa kamay ng mga Amerikanong nagligtas umano sa ating bansa laban sa mga Espanyol. Noong una'...