Skip to main content

Psst, Hi Miss.

Teksto ukol sa feminismo.

Ang mga babae raw ay mahihina.

Sila ay dapat nasa bahay lang, sila dapat ang nagsisilbi sa mga kalalakihan dahil sila’y babae lamang. Bawat buwan ay dinudugo sila, karamihan rin sa mga trabaho ay hindi nararapat sa mga kababaihan dahil mahihina ang kanilang katawan, masyado rin daw iyakin at mabilis masaktan ang mga kababaihan.

Ilan lamang yan sa mga pang-karaniwang pananaw ng mga kalalakihang kilala ko nang tanungin ko sila kung malalakas ba ang mga kababaihan.

“Mas malakas kaya mga lalaki.” Sabi pa ng isa kong kaibigan. Oo, maraming pagkakataon na napapatunayan na mas malakas ang mga kalalakihan, pero hindi ibig sabihin nito na dapat nang ipamukha ang mga kahinaan ng mga kababaihan.

Ngunit hindi iyan ang pinaka-punto ko sa diskusyong ito. Bilang isang babae, naghahangad rin ako ng pantay na pagtingin ng bawat tao sa kasarian ko. Oo, may pagkakataong mahihina ang mga kababaihan ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat na silang husgahan. Hindi ibig sabihin nito na dapat nang bastusin dahil sila’y mga babae lamang. Hindi kami isang materyal.

Kahit kakaunti naman siguro ay may alam tungkol sa nakasanayang paniniwala na kapag lalaki ka,
mas may karapatan ka, mas may benepisyo kang makukuha.  “Patriarchal” kumbaga, kung saan ay naghahari ang mga kalalakihan. Hindi po ako galit sa mga kalalakihan, sa ibang kalalakihan lamang na masyadong makikitid ang utak, at para bang bayag lamang ang pinapagana.

Walang araw sa isang linggo na hindi ako nababastos, parati akong nakakaranas ng ‘cat-calling’ at nakakatanggap ng malalagkit na tingin lalo na kapag maglalakad ka lang sa gilid ng kalsada.

Karamihan sa gumagawa non? Mga lalaki, syempre.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ba kailangan pa nilang ipakitang may utak sila na kasing liit lamang ng fishball?

Aaminin ko, kahit papaano ay alam ko ang kasagutan sa mga tanong na iyan. Alam ko na kaya binabastos ang mga babae ng ibang kalalakihan ay, bukod sa utak fishball sila, ay nakasanayan na nila itong gawin kaya nagmistulang normal na lamang ito. Bakit? Kasi sa mga palabas nga sa telebisyon o sa mga magasin na sekswal ay ginagawa iyon, sila pa kaya na mga ordinaryong tao lamang?

Para bang mayroong ‘invisible golden rule’ na sinusunod ang bawat tao, at para sa ibang kalalakihan ang ‘invisible golden rule’ na ito ay ang ituring na sekswal na bagay lamang ang mga kababaihang may damdamin at prinsipyo ring pinang-hahawakan.

“Ang bastos sa sipi ay hindi ang akto ng seks, kundi ang paglalarawan ng babae rito.”

Bakit nga ba ginawa ang mga magasing may sekswal na tema tulad na lamang ng FHM at Playboy? Para ito sa mga kalalakihan.

Hindi ko ipinapahatid rito na dapat ay magkaroon ng pananaw ang bawat tao na mas nakaa-angat ang mga kababaihan. Nais ko lamang sana na maging bukas naman ang isipan ng bawat Pilipino sa mga posibilidad na may kakayahan ang mga kababaihan at hindi dapat na tinuturing na mas mahina kaysa sa mga lalaki.

“Equilibrium”

Isang salita pero napakalaking epekto ang maibibigay sa bawat tao. Lahat naman tayo rito ay tao na may sariling damdamin, pananaw, at ideya. Ang pagdi-diskrimina ng kasarian o ng kahit anong uri pa man iyan o ng kahit anong aspeto pa man yan ay hindi maganda.
Sana kapag ang nakararami ay alam na ang salitang respeto at pagkakapantay-pantay, sana wala na akong maririnig na sisitsit at sasabihing, "Hi Miss."

Comments

Popular posts from this blog

Kung may Tiyaga, may Nilaga

Sabi nila, hindi mo kasalanan kapag ipinanganak ka na mahirap. Ang kasalanan raw ay ang mamatay kang naghihirap pa rin.  Noong una, labis na pinaniniwalaan ko ang katagang iyan. Napapaisip ako na, oo nga, kasipagan ang sagot sa pagiging mahirap. Kapag ikaw ay may sipag at tiyaga, siguradong ligtas ka na sa kahirapan o di kaya’y makakabangon ka na mula sa bangungot na ito. Pero habang tumatagal, at ang aking pananaw sa buhay  ay lumalawak, at ang bawat sulok ng mali sa mundo ay unti-unti nang nabibigyan ng liwanag sa aking utak, saka sumagi sa aking isipan na hindi mahihirap lamang ang may kasalanan kung bakit sila ay naghihirap.  Sino ang dapat sisihin? Sa tingin ko ay ang uri ng pamamalakad sa ating bansa, sa medaling salita, ang mga taong nasa likod ng mga naglalakihang kumpanya, mga taong nakaupo sa makintab na pwesto, o iba pang taong mala-Diyos na kung isamba ng ilan.  Hindi ko naman sinasabi na isisi na sa mga naglalakihang tao na ito kung bakit hanggan...

Edukasyon, Susi sa Kahirapan

Edukasyon.  Isang bagay na nagpapatakbo sa  buhay ng bawat estudyante.  Bawat araw, gigising ng maaga, papasok sa eskwela, makikinig sa mga turo ng propesor, at uuwing may baon na kaalaman, minsan.  Halos kalahati ng buhay ng bawat mamamayan ang nasasakop ng edukasyon. Bakit nga ba tayo nag-aaral? Bakit ba tayo obligadong pumasok sa eskwela at magtapos ng kolehiyo?  Kung ako ang tatanungin kung bakit ng aba ako nag-aaral, ang isasagot ko lamang ay upang magkaroon ng direksyon ang aking buhay at sana, sa dulo ng direksyong ito ay isang magandang kinabukasan na makakatulong hindi lang para sa akin, kungdi para na rin sa pamilya ko at sa bayan. Ang edukasyon ay isang obligasyon upang magkaroon ng mga magagaling  at may alam na susunod na henerasyon ang lipunan. Nag-aaral ang mga kabataan para may maiambag hindi lamang sa  kanilang sariling kapakanan, kungdi pati na rin sa kapakanan mismo ng lipunang ating sinisinta. Ang edukasyon raw ang magpapa...

TANSONG ASAL GINTO

Tansong asal Ginto Ang akdang ito ay nagpapahiwatag kung paano tinitingala ng mga kababayan nating Pilipino ang isang uring nakaa-angat ngunit nagpapasailalim naman sa mga kolonyalista. Tulad ng sa naunang akda ni Bienvenido Lumbera na ating tinalakay na pinamagatang, Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin, nabanggit rito kung paanong ang isang wikang banyaga ay sumisimbolo sa karangyaan. Dito sa akdang ito, ipinakita kung paanong ang isang pribadong paaralan na karamihan ay mayroong mga estudyanteng nakatataas ay naiimpluwensiyahan ang pag-iisip ng mababang uri ng mga Pilipino. Masasabing marami sa ating mga Pilipino ang pilit na itinataas ang kanyang sarili sa lipunan kahit na ang kanyang pinansyal na bulsa ay wala namang laman. Sila yung mga taong matatawag na mga ‘Social Climber’. Balik tayo sa usaping pang-pribadong paaralan ng ating bansa. Muli, ang ugat kung bakit mas maraming edukasyon na ang naihahatid ng mga pribado o eksklusibong paaralan kays...