Edukasyon.
Isang bagay na nagpapatakbo sa buhay ng bawat estudyante. Bawat araw, gigising ng maaga, papasok sa eskwela, makikinig sa mga turo ng propesor, at uuwing may baon na kaalaman, minsan. Halos kalahati ng buhay ng bawat mamamayan ang nasasakop ng edukasyon.
Bakit nga ba tayo nag-aaral? Bakit ba tayo obligadong pumasok sa eskwela at magtapos ng kolehiyo?
Kung ako ang tatanungin kung bakit ng aba ako nag-aaral, ang isasagot ko lamang ay upang magkaroon ng direksyon ang aking buhay at sana, sa dulo ng direksyong ito ay isang magandang kinabukasan na makakatulong hindi lang para sa akin, kungdi para na rin sa pamilya ko at sa bayan.
Ang edukasyon ay isang obligasyon upang magkaroon ng mga magagaling at may alam na susunod na henerasyon ang lipunan. Nag-aaral ang mga kabataan para may maiambag hindi lamang sa kanilang sariling kapakanan, kungdi pati na rin sa kapakanan mismo ng lipunang ating sinisinta.
Ang edukasyon raw ang magpapabago ng kinabukasan, magagwa nitong maayos at maunlad ang lipunan kung edukado ang mamamayan. Sinasanay ang bawat kabataan upang pagsilbihan ang bayan. Ang nais ko lamang itanong, bayan ng aba ang napagsisilbihan?
Gaya nga ng sabi-sabi, ang edukasyon ang susi para makalaya sa kahirapan. Ngunit bakit kahit na edukado na halos lahat ng tao, nakakapag-aral na sa pampublikong paaralan, bakit hanggang ngayon ay mahirap pa rin an gating lipunan? Bakit hanggang ngayon ay bansang kawawa pa rin ang Piipinas?
Ang paaralan ang pangalawang tahanan natin, dito na tayo lumaki at mas nakaintindi ng mga bagay bagay. Dito na lumawak ang kaisipan ng bawat mag-aaral ukol sa impormasyon sa mundo. Ngunit tila ba may dapat baguhin sa ating pangalawang tahanan.
Mapapansin naman ngayon na kapag ikaw ay pumasok sa isang paaralan, bihira ka lamang makalabas at tumuklas ng mga bagay bagay ng mag-isa. Lahat ng impormasyon ay isinusubo ng mga guro sa mga mag-aaral, gamit na rin ang mga libro. Tuturuan ng parte ng halaman ang mga estudyante, tuturuan kung paano sagutan ang tanong ng ‘polynomials’, tuturuan kung sino nga ba si Jose Rizal, o kung sino si Padre Salvi at Padre Damaso.
May naituturo ba tungkol sa problemang kinakaharap ng lipunan? May naituturo ba kung paano mareresolba ang kahirapan ng lipunan upang maging maunlad na ang Pilipinas? Wala.
Dahil sanay na ang bawat isa sa atin sa mga kaalamang nakukuha lamang sa libro, at hindi ang kaalaman na nakukuha sa pagmasid sa estado ng bansa. Sanay na tayo sa pagalingan sa pagsagot sa tanong ng guro sa lenggwhaeng Ingles, at hindi ang pagalingan sa pagsasalita ng Filipino at pag-aalam pa ng ating sariling wika.
Iba ang ating nakasanayan, nasanay na tayong maging isang makina na kailangan pa ng susi upang kumilos.
Ano ang dapat nating sanayin sa edukasyon?
Dapat nating sanayin ang edukasyong makakapagpabago sa lipunan, makakapag-paunlad o makakapagpabawas ng kahirapan sa masukal na kagubatang ating ginagalawan sa kasalukuyan.
Hindi naman tayo nag-aral para lamang malaman kung sino nga ba si Descartes o si Aristotle,nag-aral rin tayo upang maging bukasang ating isipan tungo sa kasaganahan.
Tulad nga ng sabing iba, ang edukasyon ang susi upang makabangon sa kahirapan. At ito ang dapat gawing misyon ng bawat paaralan. Dapat imulat ang mga mag-aaral sa kanilang maaaring gawin upang makatulong sa lipunan.
Kailangang simulant ito sa loob mismo ng paaralan. Lapatan ng mga maka-bayang pananaw ang mga libro, lapatan ng kaisipang progresibo ang bawat turo ng mga guro, at higit sa lahat lapatan ng kaisipang paghahangad ng kalayaan ang mga estudyante.
Ang mga guro ay nagsisilbing pangalawang magulang natin sa ating pangalawang tahanan. Hindi lalago ang isang halaman kung walang sinag ng araw, at ang mga guro ang mga araw sa buhay ng bawat estudyante. Sila ang nagbibigay liwanag upang mas lalo pang makita ng bawat mag-aaral ang madilim na daang tinatahak o tatahakin pa lamang nila.
Simulan sa ugat ang pagbabago, at paniguradong magiging maganda ang tubo.

Comments
Post a Comment