Sabi nila, hindi mo kasalanan kapag ipinanganak ka na mahirap. Ang kasalanan raw ay ang mamatay kang naghihirap pa rin.
Noong una, labis na pinaniniwalaan ko ang katagang iyan. Napapaisip ako na, oo nga, kasipagan ang sagot sa pagiging mahirap. Kapag ikaw ay may sipag at tiyaga, siguradong ligtas ka na sa kahirapan o di kaya’y makakabangon ka na mula sa bangungot na ito.
Pero habang tumatagal, at ang aking pananaw sa buhay ay lumalawak, at ang bawat sulok ng mali sa mundo ay unti-unti nang nabibigyan ng liwanag sa aking utak, saka sumagi sa aking isipan na hindi mahihirap lamang ang may kasalanan kung bakit sila ay naghihirap.
Sino ang dapat sisihin? Sa tingin ko ay ang uri ng pamamalakad sa ating bansa, sa medaling salita, ang mga taong nasa likod ng mga naglalakihang kumpanya, mga taong nakaupo sa makintab na pwesto, o iba pang taong mala-Diyos na kung isamba ng ilan.
Hindi ko naman sinasabi na isisi na sa mga naglalakihang tao na ito kung bakit hanggang ngayon ay hindi man lamang makaabante sa paligsahan ang mga anakpawis. Ang nais ko lamang iparating ay sumasakop ng isang malaking parte ang mga taong ito sa kabuuang dahilan.
Ibigay na lamang natin na halimbawa si Mang Tinoy. Si Mang Tinoy ay ipinanganak na mahirap, simula pa pagkabata ay wala na siyang ibang pinangarap kung hindi ay magkaroon ng pagkakataon sa kanyang buhay na makakain siya ng tatlong beses sa isang araw o higit pa.
Nagtitinda siya ng manggang hinog at hilaw sa bayan ng Novaliches, umiikot siya sa bawat baranggay simula bukang liwayway hanggang sa magpaalam na si haring araw. Napakasipag niyang tao sapagkat pinaniniwalaan niya na kapag ikaw ay may tiyaga, paniguradong mayroon ka ng nilaga. Pero hindi man lang ito nangyari sa kaniya.
Hindi siya nakapag-tapos ng pag-aaral, nagkaroon siya ng asawa’t apat na anak. Naipatapos na niya sa kolehiyo ang apat niyang anak, pero hanggang sa kasalukuyan ay nagtitinda pa rin siya. Walang usad ang kaniyang buhay, para bang kada hakbang niya paunahan ay mayroong hihila sa kaniya pabalik sa simula. Hindi man lamang niya maapakan ang dulong linya.
Masipag siya, wala siyang ginawa araw-araw kung hindi ang magbanat ng buto. Napatapos niya ang kaniyang apat na anak pero hindi man lamang makapasok sa magandang kumpanya sapagkat hindi raw kilala ang kolehiyong pinag-aralan nila.
Ang kwentong ito ay nagpapakita kung paano pinipigilan ng ating bayan ang mga taong nais umunlad. Pinipigilan ng mga nakatataas ang mga anakpawis, at ang mas binibigyan lamang nilang prayoridad ay ang mga taong sa tingin nila ay karapat-dapat,tulad na lamang ng mga nasa gitnang uri o mataas na uri. Bakit? Dahil sila ay mga taong may magandang edukasyon, may magandang buhay, at sa tingin ng mga naghaharing-uring ito ay ang mga taong katulad nito lamang ang nararapat sa kanilang negosyo o kumpanya.
Ngunit hindi iyan ang pinaka-punto ng akdang Literatura ng Uring Anakpawis. Ang nais ipahatid ng akda ay ang tapang at katalinuhan ng mga uring anakpawis. Ipinapakita nila ito sa pag-gamit ng sining
Ang sining raw ay para lamang sa mga mayayamang tao na wala nang magawa sa buhay nila kung kaya’y maglalaan na lamang sila ng oras upang lumikha. Sa una pa lamang ay iyan na ang pumapasok sa kokote ng mga tao, lalo na ng mga taong hindi edukado.
Iniisip nila na ang pagpipinta ay para lamang sa mga mayayaman, ang pagsusulat ay para lamang sa mga anak mayaman o mga taong may kaya. Para bang nabigyan ng limitasyon ang sining, nabigyan na ng limitasyon ang pag-iisip ng mga tao ukol sa sining.
Ngunit hindi lang naman ang mga taong anak mayaman ang may angking katalinuhan. Bawat tao ay may angking katalinuhan.
Ano ang ginawa ng mga uring anakpawis na may malasakit sa kanyang ka-uri at sa bayan? Sinimulan nila ang pag-laban sa pamamagitan ng pagsusulat. Ipinamalas nila ang katalinuhan, ipinamalas nila ang hangad nilang pagkapantay-pantay at kalayaan.
Katapangan, pluma at papel ang naging sandata ng mga uring anakpawis.
Sa mga kahirapang dinanas nila sa malupit na mundo, sa mga pagkukulang na iginagawad sa kanila ng gobyerno, sa mga kapipiranggot na pa-sweldo ng mga naghaharing uri na hindi alam ang kahirapang dinaranas ng mga manggawa, at lalong lalo na sa pang-aapi ng mga taong makikitid ang utak ay naipamalas gamit ng literaturang ito ang kauhawan ng bawat uri ng anakpawis.
Darating din ang pagkakataon na ang apoy na sinimulan ng mga naghaharing-uri ay siya ring sa kanila’y tutupok.

Comments
Post a Comment