Maraming maibibigay na magandang dulot kapag ikaw ay edukado, lalo na kapag ang mga bagay na natututunan mo sa loob ng apat na sulok ng silid ay nakakapagpa-bukas ng isipan sa mga kaganapan sa mundo. Ang kabataang bukas ang isipan ay paniguradong kayang lumaban. Kayang labanan ang mga maling kanilang nakikita, sapagkat hindi sila takot na gawing tama ang mga ito.
Binigay na halimbawa sa akda ni Ginoong Antonio Tujan Jr. ang ginawang pakikibaka ng mga kabataang pinoy o ng mga mag-aaral upang patalsikin ang kurakot at sakim na dating pangulong Erap. Hindi na natiis ang kagahaman ni Erap noon kung kaya ay wala nang nagawang iba ang mga tao kung hindi mag-aklas upang patalsikin na sa pwesto ang ginoo.
Nagkapit-bisig man ang mga tao at kabataan sa naganap na People Power 2 noong panahon ni Erap, hindi pa rin ito sapat upang mamulat ang mata ng mga naka-upo sa pwesto. Pumalit si Arroyo bilang panibagong presidente, ngunit ganoon pa rin ang nangyari.
Sa kasalukuyan, mayroon tayong presidenteng hindi matukoy kung ano ang kanyang susunod na gagawin. Magulo ang isipan, at mahilig gawing tuta ang mga tao. Nais ko tuloy abangan kung may mangyayari rin bang pag-aaklas, na ngayon ay nakikita na natin ang paunti-unting pag-aaklas ng iba’t-ibang grupo na hindi kuntento at nagsasabing hindi makatarungan na pamamalakad ng pangulo.
Tama naman ang magreklamo, hindi ba? Tama naman ang magprotesta para sa ikagaganda ng lahat, para sa benepisyo ng marami. Sa panahon ngayon, marami nang pangyayari sa paligid natin na mahirap nang tiisin. Hindi naman pupuwede na habang buhay na lang tayong nakamasid sa mga pangyayaring hindi tayo sang-ayon.
Hindi naman pwede na hahayaan natin na ibang tao ang mag-bungkal ng sarili nating hukay. Hindi naman tayo nabuhay sa mundong ito para lamang dumanas ng paghihirap, na dulot ng mga naka-upo sa pwestong ginto na mahirap abutin kapag hindi kayo magsing-uri.
Kung ako ang tatanungin, ayoko rin namang sumama sa mga protesta para sa pagbabago, pero kasi habang ikaw ay nakakapag-aral ng edukasyong dulot ay pagbabago, bubukas ang isipan mo at madarama mo na, “Oo nga, napakalupit ng mundo.” Maiisip mo na maraming kailangang baguhin, maraming kailangang palitan, at hindi ka makakatulong para sa pagbabagong ito kung uupo ka lang sa silya mo at magmamasid.
Iba na ang noon at ngayon, ibang-iba na. Mas lumala na ang kalagayan ng bansa, para bang hindi na tayo magkakaba-bayan sa inaasal ng karamihan ngayon. Para bang gumigising na lamang tayo sa araw-araw dahil ito ang dapat nating gawin, dahil ito ang ginagawa ng karamihan, dahil ito ang naiisip nating tama.
Bakit hindi natin ilaan ang oras at kaunting piraso ng ating utak para tingnan ang mga kaganapan sa paligid? Para sana kahit papaano ay maliwanagan ang ating pag-iisip na hindi perpekto ang mundo, na maraming nagdurusa, maraming namamatay, maraming nagugutom, maraming naghihirap, dahil kanino? Dahil sa mga taong naka-upo na ayaw man lang tumayo upang silipin ang kalagayan ng taong pinamumunuan nila.
Simulan ang pagbabago sa ugat, simulan ito sa edukasyon, simulant ito sa pagbukas ng kaisipan ng mga susunod na henerasyon. Kahit hindi na ang henerasyon ngayon, dahil mahirap nang bawiin ang mga pag-iisip na naipakain na sa kanila.
Ano ang mahalaga sa pagbabago? Ang pagkilos. Hindi bukas,hindi mamaya, at lalong hindi sa susunod pang mga taon. Simulan ang pagbabago ngayon. Bawat isa sa atin ay may magagawa, lalo pa’t may mga guro nang nagpupursigi upang hindi malamon ang utak ng kanyang mga estudyante ng kaisipang pabalik.
Bakit pa papatagalin kung pwede na rin naman ngayon? Bakit pa magtitiis kung pwede namang iparinig ang hinaing sa mundo? Para saan pa ang pagiging demokratikong bansa kung walang karapatan ang mga tao nito, hindi ba?
Ikaw. Ako. Tayo. Mayroon tayong magagawa, simulan natin ito ngayon.

Comments
Post a Comment