Skip to main content

Kasaysayan ng Edukasyon sa Kasalukuyan

Ang akda ni Bienvenido Lumbera na pinamagatang Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin, ay sumasalamin sa kung anong klaseng institusyon ng edukasyon ang mayroon ngayon sa ating nasyon. Hindi maipagkakaila na sa ilang beses na-angkin ng mga mananakop ang ating inang bayan ay makikitang wala na tayong orihinal na kultura. Lahat ng ating nalalaman, ginagawa, at pinapahalagahan ngayong panahon na ito ay may impluwensiya na ng mga Espanyol, Amerikano, at ng Hapones. 

Si Bienvenido Lumbera ay isang magaling na manunulat na naparangalan ng Ramon Magsaysay award at tinaguriang “National Artist of the Philippines” dahil na rin sa angking niyang pagkamalikhain at kakayahan sa pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng kanyang mga naisulat nang akda, at isa na rito ang akdang tatalakayin natin ngayon. 

Simula pa noong Abril ng taong 1898 ay napasailalim na ang Pilipinas sa kamay ng mga Amerikanong nagligtas umano sa ating bansa laban sa mga Espanyol. Noong una'y malaking pasasalamat pa ang tinatanaw ng ating mga ninuno sa mga Amerikano sapagkat nakaguhit sa kanilang mga isipan noon na nakalaya sila sa mga malulupit na Espanyol dahil sa tulong ng Estados Unidos. 

Marami rin namang mga makabayan ang hindi nagpadala sa nais ng mga mananakop, pinaglalaban nila ang karapatan nila sa sarili nilang bansa at hindi sila nagpapadala sa mga matatamis na salita na iminumungkahi ng Estados Unidos. Nakikipaglaban sila, at noong panahong iyon, itinuturing silang rebelde ng marami. 

Mayroon akong nabasang akda kamakailan lamang na nagsasabi na mapaglalaruan mo lamang ang isang bayan sa iyong sariling mga kamay kapag itinuro mo sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa iyo. Ganito ang ginawa ng mga Amerikano sa mg Pilipino noong simulan nilang pailalim na sakupin ang bansa. Una, pinilli nilang umastang mabuti sa mga mamamayan, tinutulungan at binibigyan nila ng kalayaan ang mga ito, ngunit sa kabila nito ay unti-unti nang kinukuha ang kapangyarihan ng mga mamamayan ng pilipinas at saka nila ito inaangkin. Pangalawa, isiniksik nila sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang kanilang kultura. At higit sa lahat, binigyan nila ng Amerikanong edukasyon ang mga Pilipino. 

Tulad nga ng nasabi ko kanina, marami ring mga Pilipino ang hindi nagpadala sa Estados Unidos, at ang iba sa mga ito ay mga ilustrados o mga mamamayang nakapag-aral. Ang mga ilustrados na ito ay bukod sa mithiin nilang paalisin ang mga mananakop sa ating bansa, nais rin nilang makatayo sa sariling mga paa nito ang Pilipinas. Nagsimula ang paghahangad ng mga ilustradong ito noong itinayo ang “National Assembly of the Commonwealth” kung saan pinaniwalaan ng maraming pilipino na maaari naman palang makalaya ang Pilipinas sa mananakop nito. 

Ang kilos na ito ng Estados Unidos ay hindi kagandahang loob, kundi isang panibagong paraan ng pananakop nila sa isip ng mga pilipino. Paano mo nga ba magagapi ang iyong kalaban sa digmaan? Kailangan mong patayin ang pinuno nito. At ganoon na nga ang ginawa ng mga Amerikano, oo nga’t nagtayo sila ng isang pagtitipon na makapagbibigay ng kalayaan sa mga pilipino, ngunit, hindi nila inalis ang kanilang mga kamay rito. Para lamang silang nagpalaki ng isang tuta, tinuruan ng mga kilos na nais nilang masunod nito pagdating ng panahon. At ang tutang ito ay ang mga ilustradong pilipino na namuno sa mga nagdaang panahon. 

Isinaad sa akda ni Bienvenido Lumbera ang mga pangulo ng ating mga nagdaang republika na naging tuta ng Amerikano. Ito ay sina Presidente Manuel Roxas, na binago ang konstitusyon upang maipasakatuparan ang Bell Trade Relations Act na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga mangangalakal ng Pilipinas at Estados Unidos. Sumunod na rito si Presidente Ramon Magsaysay na hinayaang paglaruan ng CIA ang ating Department of National Defense, at isa pa itong si Presidente Ramon Magsaysay na hinayaang pakialaman ng Estados Unidos ang ating Republika. 

Marami pang nabanggit na mga dating pangulo ang nagbigay ng kanilang kaluluwa sa Estados Unidos, ngunit ang natatanging presidente na sa aking opinyon ay nagpababa ng paningin ng mga nasa ibang bansa sa ating mga pilipino, ay ang dating presidenteng Ferdinand Marcos. Ayon sa aking nabasa sa akda ni Bienvenido Lumbera ay sinimulan ng ating dating presidente ang pagpapadala ng mga manggagawang pilipino sa iba’t-ibang bansa dahil na rin sa kakulangan ng mapagtatrabahuan rito, at ngayon ay makikita namang nagbunga ng mababang pagtingin at trato ng mga taga ibang nasyon sa ating mga kalahi.

Mataas ang tingin natin sa mga Amerikano, aminado ang marami sa atin sa bagay na ito. Kapag nakakakita tayo ng Amerikano sa mga pasyalan, agad na manlalaki ang ating mga mata at para bang tumitiklop na ang ating katawan dahil baka mamaya ay kausapin tayo sa wikang ingles. Ang nakaugaliang ito ay masasabi kong isang nakakatawang bagay. Bakit ba ang taas ng tingin natin sa mga taga-Amerika, at kapag tayo na ang ikukumpara sa kanila, maraming nagsasabing lugi tayo at wala man lang binatbat? Hindi na ako lalayo pa, ito ay dahil iyon na ang naituro sa atin simula pa ng tayo ay magka-muwang.

"Ang mga Amerikanong iyan, dapat natin silang igalang dahil sila'y mabubuti", iyan na halos ang kaisipang laman ng mga aklat sa kasaysayan na aking nabasa noong ako'y nasa elementarya pa lamang. Ang ipinapalabas nito, magagandang nagawa lamang ang naipapakita sa mga aklat ng ating kasaysayan. Sa tingin ko, lahat yata ng nagawa ng mga Amerikano ay nagpapakita na sila'y mabuti, sapagkat sila mismo ang pumili na magpakita ng mga magagndang gawain upang sila’y paburan ng mga pilipino.

Marahil nga’y puno na ng mga araling ingles ang ating mga utak sa kasalukuyan, marahil nga’y ang karamihan sa atin ay nagpalamon na sa bangungot na ibinibigay ng mga kano, ngunit wala namang masama kung tayo’y maniniwala na ang kabataan nga ang pag-asa ng ating bayan.

Comments

Popular posts from this blog

Kung may Tiyaga, may Nilaga

Sabi nila, hindi mo kasalanan kapag ipinanganak ka na mahirap. Ang kasalanan raw ay ang mamatay kang naghihirap pa rin.  Noong una, labis na pinaniniwalaan ko ang katagang iyan. Napapaisip ako na, oo nga, kasipagan ang sagot sa pagiging mahirap. Kapag ikaw ay may sipag at tiyaga, siguradong ligtas ka na sa kahirapan o di kaya’y makakabangon ka na mula sa bangungot na ito. Pero habang tumatagal, at ang aking pananaw sa buhay  ay lumalawak, at ang bawat sulok ng mali sa mundo ay unti-unti nang nabibigyan ng liwanag sa aking utak, saka sumagi sa aking isipan na hindi mahihirap lamang ang may kasalanan kung bakit sila ay naghihirap.  Sino ang dapat sisihin? Sa tingin ko ay ang uri ng pamamalakad sa ating bansa, sa medaling salita, ang mga taong nasa likod ng mga naglalakihang kumpanya, mga taong nakaupo sa makintab na pwesto, o iba pang taong mala-Diyos na kung isamba ng ilan.  Hindi ko naman sinasabi na isisi na sa mga naglalakihang tao na ito kung bakit hanggan...

Edukasyon, Susi sa Kahirapan

Edukasyon.  Isang bagay na nagpapatakbo sa  buhay ng bawat estudyante.  Bawat araw, gigising ng maaga, papasok sa eskwela, makikinig sa mga turo ng propesor, at uuwing may baon na kaalaman, minsan.  Halos kalahati ng buhay ng bawat mamamayan ang nasasakop ng edukasyon. Bakit nga ba tayo nag-aaral? Bakit ba tayo obligadong pumasok sa eskwela at magtapos ng kolehiyo?  Kung ako ang tatanungin kung bakit ng aba ako nag-aaral, ang isasagot ko lamang ay upang magkaroon ng direksyon ang aking buhay at sana, sa dulo ng direksyong ito ay isang magandang kinabukasan na makakatulong hindi lang para sa akin, kungdi para na rin sa pamilya ko at sa bayan. Ang edukasyon ay isang obligasyon upang magkaroon ng mga magagaling  at may alam na susunod na henerasyon ang lipunan. Nag-aaral ang mga kabataan para may maiambag hindi lamang sa  kanilang sariling kapakanan, kungdi pati na rin sa kapakanan mismo ng lipunang ating sinisinta. Ang edukasyon raw ang magpapa...

TANSONG ASAL GINTO

Tansong asal Ginto Ang akdang ito ay nagpapahiwatag kung paano tinitingala ng mga kababayan nating Pilipino ang isang uring nakaa-angat ngunit nagpapasailalim naman sa mga kolonyalista. Tulad ng sa naunang akda ni Bienvenido Lumbera na ating tinalakay na pinamagatang, Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin, nabanggit rito kung paanong ang isang wikang banyaga ay sumisimbolo sa karangyaan. Dito sa akdang ito, ipinakita kung paanong ang isang pribadong paaralan na karamihan ay mayroong mga estudyanteng nakatataas ay naiimpluwensiyahan ang pag-iisip ng mababang uri ng mga Pilipino. Masasabing marami sa ating mga Pilipino ang pilit na itinataas ang kanyang sarili sa lipunan kahit na ang kanyang pinansyal na bulsa ay wala namang laman. Sila yung mga taong matatawag na mga ‘Social Climber’. Balik tayo sa usaping pang-pribadong paaralan ng ating bansa. Muli, ang ugat kung bakit mas maraming edukasyon na ang naihahatid ng mga pribado o eksklusibong paaralan kays...