Edukasyong maka-Pilipino
Marami sa atin ang nagnanais na makakuha ng isang edukasyong nararapat sa ating mga Pilipino. Isang edukasyon na makapagbibigay ng kaisipang nasyonalista sa mga kabataan.
Katangian ng Edukasyong Kolonyal
Ang pagdating nga mga puti sa ating bansa ay nakapag-dulot ng pang-matagalang pagiging alipin ng ating mga kaisipan sa nais ng mga dayuhan. Sinimulan ito ng ipa-laganap ng mga kano ang sistema ng kanilang pagkatuto sa ating mga Pilipino.
Ang edukasyong kanilang hinandog ay nagbigay ng makitid na pag-iisip sa ating mga Pilipino na sila ay dapat na ituring na mga bayani at tagapag-tanggol, at nagbigay rin ng anggulong positibo lamang ukol sa kanila.
Ipinasok nila sa ating mga kokote ang banyagang wika, at ipinalamon ang ating mga utak sa isang amerikanisadong paraan ng pamumuhay, tulad na lamang ng panghihikayat ng mga produktong banyaga, at ang kaisipang hindi magandang kalidad ang naibibigay ng mga produktong lokal.
Makikita naman na ang mga tekstong nararapat ay naka-sentro sa estraktura ng ating komunidad ay naka-sentro ngayon sa nais ng mga kano. Ang mga aklat na ito ay karamihang ihinahalintulad sa mga teksto ng mga banyaga. An gating edukasyon ay para bang isang edukasyon para may maibigay para sa pangangailangan ng ibang bansa, hindi para sa pangangailangan ng ating bansa.
Eduksayong Komersiyalisado at Etilista
“Quality education IS expensive”
Sa panahon ngayon, kung nais mo ng isang paaralan na makapagbibigay sa iyo ng malawak na kaalaman at magandang pasilidad, kinakailangan mo na talagang ihanda ang iyong bulsa.
Sa ating bansa, kung hindi ka sobrang matalino para makapasok sa isang paaralang mura at mataas pa ng antas ng kaalaman ang naibibgay, kailangan mong maging isang estudyanteng may malaking halaga ng pera upang makapag-aral ka sa isang magandang paaralan. Ngunit pare-pareho lang naman na maka-dayuhang uri ng edukasyon ang ibinibigay.
Ang pangalan ng isang paaralan ang binabayaran o ninanais makamit ng mga estudyanteng gustong mag-aral rito. Dahil ang mga kumpanya sa ating bansa, ay nagnanais ng mga empleyadong galing sa isang kilalang paaralan.
Oo nga’t may maibubuga ang ibang mga estudyanteng nag-aral sa isang ‘state university’ ngunit mas prayoridad pa rin ang mga estudyanteng nanggaling sa isang kilalang paaralan dahil mas pinaniniwalaan nilang mas magagaling ito.
Walang dudang isang kolonyal na mentalidad na nga talaga ang naipasok natin sa ating mga kokote.
Edukasyong makapagbabago ng Lipunan
Ang ating lipunan ay kumikilos sa paraang ‘give and take’. Magbibigay sila ng edukasyon, kaya kailangan ring magbigay pabalik ng mga edukadong estudyante sa lipunan. Ang kaibahan nga lang ay ang kalidad ng mga bagay na naibibigay ng isa’t-isa.
Kapag ang edukasyon ay malaya, siguradong malaya rin ang ating lipunan.
Comments
Post a Comment