Maraming maibibigay na magandang dulot kapag ikaw ay edukado, lalo na kapag ang mga bagay na natututunan mo sa loob ng apat na sulok ng silid ay nakakapagpa-bukas ng isipan sa mga kaganapan sa mundo. Ang kabataang bukas ang isipan ay paniguradong kayang lumaban. Kayang labanan ang mga maling kanilang nakikita, sapagkat hindi sila takot na gawing tama ang mga ito. Binigay na halimbawa sa akda ni Ginoong Antonio Tujan Jr. ang ginawang pakikibaka ng mga kabataang pinoy o ng mga mag-aaral upang patalsikin ang kurakot at sakim na dating pangulong Erap. Hindi na natiis ang kagahaman ni Erap noon kung kaya ay wala nang nagawang iba ang mga tao kung hindi mag-aklas upang patalsikin na sa pwesto ang ginoo. Nagkapit-bisig man ang mga tao at kabataan sa naganap na People Power 2 noong panahon ni Erap, hindi pa rin ito sapat upang mamulat ang mata ng mga naka-upo sa pwesto. Pumalit si Arroyo bilang panibagong presidente, ngunit ganoon pa rin ang nangyari. Sa kasalukuyan, ...
Edukasyon. Isang bagay na nagpapatakbo sa buhay ng bawat estudyante. Bawat araw, gigising ng maaga, papasok sa eskwela, makikinig sa mga turo ng propesor, at uuwing may baon na kaalaman, minsan. Halos kalahati ng buhay ng bawat mamamayan ang nasasakop ng edukasyon. Bakit nga ba tayo nag-aaral? Bakit ba tayo obligadong pumasok sa eskwela at magtapos ng kolehiyo? Kung ako ang tatanungin kung bakit ng aba ako nag-aaral, ang isasagot ko lamang ay upang magkaroon ng direksyon ang aking buhay at sana, sa dulo ng direksyong ito ay isang magandang kinabukasan na makakatulong hindi lang para sa akin, kungdi para na rin sa pamilya ko at sa bayan. Ang edukasyon ay isang obligasyon upang magkaroon ng mga magagaling at may alam na susunod na henerasyon ang lipunan. Nag-aaral ang mga kabataan para may maiambag hindi lamang sa kanilang sariling kapakanan, kungdi pati na rin sa kapakanan mismo ng lipunang ating sinisinta. Ang edukasyon raw ang magpapa...