img via foxtailmarketing Lahat naman na siguro tayo ay alam ang hatid na dulot ng blog, kung saan malayang naipapahayag ang saloobin o kuro-kuro ng isang indibidwal ukol sa kaganapan sa kaniyang buhay, maliit man ito o malaki. Sa katunayan nga ay marami nang kumikita ng pera para lamang sila’y magsulat sa kanilang blog. Babalik na ako sa teksto ni ginoong U.Z. Eliserio na nagtuturo ng popular na kultura sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman. Aking sisimulan ang isyu tungkol sa pagsasalsal sa publiko ng karamihang indibidwal ngayon sa kasalukuyan. Balingan muna natin ang blog kung saan nakapagha-hayag ng saloobin ang karamihan ngunit nagagambala naman nito ang pribadong pamumuhay ng isang indibidwal. Ngunit nasa tao naman ito kung gusto ba niya isiwalat lahat ng impormasyon o pangyayari sa kaniya sa araw-araw sa online world. Ayun nga lang, nagku-krus na ang landas ng pribado at pam-publikong impormasyon, na kung titingnan sa perspektibo ng...