Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2018

Mamaya, Bukas, at Ngayon.

Maraming maibibigay na magandang dulot kapag ikaw ay edukado, lalo na kapag ang mga bagay na natututunan mo sa loob ng apat na sulok ng silid ay nakakapagpa-bukas ng isipan sa mga kaganapan sa mundo. Ang kabataang bukas ang isipan ay paniguradong kayang  lumaban. Kayang labanan ang mga maling kanilang nakikita, sapagkat hindi sila takot na gawing tama ang mga ito. Binigay na halimbawa sa akda ni Ginoong Antonio Tujan Jr. ang ginawang pakikibaka ng mga kabataang pinoy o ng mga mag-aaral upang patalsikin ang kurakot at sakim na dating pangulong Erap. Hindi na natiis ang kagahaman ni Erap noon kung kaya ay wala nang nagawang iba ang mga tao kung hindi mag-aklas upang patalsikin na sa pwesto ang ginoo. Nagkapit-bisig man ang mga tao at kabataan sa naganap na People Power 2 noong panahon ni Erap, hindi pa rin ito sapat upang mamulat ang mata ng mga  naka-upo sa pwesto. Pumalit si Arroyo bilang panibagong presidente, ngunit ganoon pa rin ang nangyari.  Sa kasalukuyan, ...

Edukasyon, Susi sa Kahirapan

Edukasyon.  Isang bagay na nagpapatakbo sa  buhay ng bawat estudyante.  Bawat araw, gigising ng maaga, papasok sa eskwela, makikinig sa mga turo ng propesor, at uuwing may baon na kaalaman, minsan.  Halos kalahati ng buhay ng bawat mamamayan ang nasasakop ng edukasyon. Bakit nga ba tayo nag-aaral? Bakit ba tayo obligadong pumasok sa eskwela at magtapos ng kolehiyo?  Kung ako ang tatanungin kung bakit ng aba ako nag-aaral, ang isasagot ko lamang ay upang magkaroon ng direksyon ang aking buhay at sana, sa dulo ng direksyong ito ay isang magandang kinabukasan na makakatulong hindi lang para sa akin, kungdi para na rin sa pamilya ko at sa bayan. Ang edukasyon ay isang obligasyon upang magkaroon ng mga magagaling  at may alam na susunod na henerasyon ang lipunan. Nag-aaral ang mga kabataan para may maiambag hindi lamang sa  kanilang sariling kapakanan, kungdi pati na rin sa kapakanan mismo ng lipunang ating sinisinta. Ang edukasyon raw ang magpapa...

Kung may Tiyaga, may Nilaga

Sabi nila, hindi mo kasalanan kapag ipinanganak ka na mahirap. Ang kasalanan raw ay ang mamatay kang naghihirap pa rin.  Noong una, labis na pinaniniwalaan ko ang katagang iyan. Napapaisip ako na, oo nga, kasipagan ang sagot sa pagiging mahirap. Kapag ikaw ay may sipag at tiyaga, siguradong ligtas ka na sa kahirapan o di kaya’y makakabangon ka na mula sa bangungot na ito. Pero habang tumatagal, at ang aking pananaw sa buhay  ay lumalawak, at ang bawat sulok ng mali sa mundo ay unti-unti nang nabibigyan ng liwanag sa aking utak, saka sumagi sa aking isipan na hindi mahihirap lamang ang may kasalanan kung bakit sila ay naghihirap.  Sino ang dapat sisihin? Sa tingin ko ay ang uri ng pamamalakad sa ating bansa, sa medaling salita, ang mga taong nasa likod ng mga naglalakihang kumpanya, mga taong nakaupo sa makintab na pwesto, o iba pang taong mala-Diyos na kung isamba ng ilan.  Hindi ko naman sinasabi na isisi na sa mga naglalakihang tao na ito kung bakit hanggan...