Teksto ukol sa feminismo. Ang mga babae raw ay mahihina. Sila ay dapat nasa bahay lang, sila dapat ang nagsisilbi sa mga kalalakihan dahil sila’y babae lamang. Bawat buwan ay dinudugo sila, karamihan rin sa mga trabaho ay hindi nararapat sa mga kababaihan dahil mahihina ang kanilang katawan, masyado rin daw iyakin at mabilis masaktan ang mga kababaihan. Ilan lamang yan sa mga pang-karaniwang pananaw ng mga kalalakihang kilala ko nang tanungin ko sila kung malalakas ba ang mga kababaihan. “Mas malakas kaya mga lalaki.” Sabi pa ng isa kong kaibigan. Oo, maraming pagkakataon na napapatunayan na mas malakas ang mga kalalakihan, pero hindi ibig sabihin nito na dapat nang ipamukha ang mga kahinaan ng mga kababaihan. Ngunit hindi iyan ang pinaka-punto ko sa diskusyong ito. Bilang isang babae, naghahangad rin ako ng pantay na pagtingin ng bawat tao sa kasarian ko. Oo, may pagkakataong mahihina ang mga kababaihan ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat na silang husgahan. Hindi ibig ...